Skip to main content

Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon (K) - Linggo, Hunyo 1, 2025

 


INTROIT:
UMAAKYAT SA KALANGITAN (BAUTISTA)

Koro:
Umaakyat sa kalangitan,
si Hesus na ating mahal,
kasabay ng pagtunog ng mga trumpeta
sa kalangitan.

ika-1 taludtod:
Habilin ng Panginoon,
na tayo ay humayo,
at ihayag, at ihayag
ang dulot N'yang kaligtasan.

Koro:
Umaakyat sa kalangitan,
si Hesus na ating mahal,
kasabay ng pagtunog ng mga trumpeta
sa kalangitan.

ika-2 taludtod:
Habilin ng Panginoon
na binyagan ang tanan!
Sa ngalan ng Ama,
Sa ngalan ng Anak,
at ng~ Espiritu Santo,
A-a-me-en! A-le-e-lu--ya!

Koro:
Umaakyat sa kalangitan,
si Hesus na ating mahal,
kasabay ng pagtunog ng mga trumpeta
sa kalangitan.

KYRIE:
PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI
(SAMONTE)

Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.

GLORIA:
PAPURI SA DIYOS (HONTIVEROS)

Koro:
Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos
sa kaitaasan!

ika-1 taludtod:
At sa lupa'y kapayapaan
At sa lupa'y kapayapaan
Sa mga taong kinalulugdan Ni-ya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
Sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin.
Pinasasalamatan ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapu--rihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.

Koro:
Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos
sa kaita--a--san!

(instrumental)

Cantor 1:
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka, maawa ka sa amin

Cantor 2:
Ikaw na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan

Cantor 1 & 2:
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,

Cantor 1:
maawa ka, maawa ka sa amin

(instrumental)

Koro:
Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos
Papuri sa Diyos
sa kaitaasan!

ika-4 taludtod:
Sapagkat ikaw lamang ang banal
at ang kataas-taasan
Ikaw lamang, O Hesukristo,
ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen! 
(mabagal) ng Diyos, Ama. Amen!

UNANG PAGBASA:
Mga Gawa 1, 1-11

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Mahal na Teofilo:
Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus buhat sa pasimula hanggang sa araw na siya’y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga apostol na kayong hinirang. Pagkatapos ng kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa gayon, napatunayang siya’y buhay. Napakita siya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo tungkol sa paghahari ng Diyos. At samantalang siya’y kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: “Huwag muna kayang aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. Nagbinyag nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at bibinyagan kayo sa Espiritu Santo.”

Kaya’t nang magkasama-sama si Hesus at ang mga alagad, nagtanong ang mga ito, “Panginoon, itatatag na ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?” Sumagot siya, “Ang mga panahon at sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” Pagkasabi nito, siya’y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap.

Habang sila’y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi ang biglang tumayo sa tabi nila. “Mga taga-Galilea,” sabi nila, “Bakit kayo narito’t nakatingala sa langit? Itong si Hesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN:
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tam--bu--li’y tumu-tunog.

Magdiwang ang nilikha / na may awit at- tuwa
Bilang pagpupuri / sa Di-yos- na Dakila!
Ang D'yos na Kataas-taasan /  dakilang haring dapat katakutan,
Si-ya’y nag-hahari / sa sang-ka-tauhan.

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tam--bu--li’y tumu-tunog.

Umakyat sa trono / ang Pa--nginoong D'yos,
hatid ng tambuling / malakas- ang tunog;
masayang- sigawan / ang ipinansuob.
Purihin ang D'yos, ating Hari / awita't pa--purihan

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tam--bu--li’y tumu-tunog.

Ang Di-yos, s'yang hari / ng lahat- ng bansa,
awi--ta’t purihin / ng mga- nilikha!
Maghahari si-ya / sa lahat ng bansa,
magmula sa- tronong / banal- at dakila.

Habang umaakyat ang D’yos,
ang tam--bu--li’y tumu-tunog.

IKALAWANG PAGBASA:
Efeso 1, 17-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid:
Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Kaya’t nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo ng Simbahan. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya na pumuspuspos sa lahat-lahat.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya;

Hebreo 9, 24-28; 10, 19-23

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Pumasok si Kristo, hindi sa isang Dakong Banal na ginawa ng tao at larawan lamang ng tunay, kundi sa langit. At ngayo’y nasa harapan siya ng Diyos at namamagitan para sa atin. Ang dakilang saserdote ng mga Judio ay pumapasok sa Dakong Banal taun-taon, may dalang dugo ng mga hayop. Ngunit minsan lamang pumasok si Kristo upang ihandog ang kanyang sarili, at iyo’y sapat na. Kung di gayon, kailangan sanang siya’y paulit-ulit na mamatay mula pa nang matatag ang sanlibutan. Subalit minsan lamang siya napakita, ngayong magtatapos na ang mga panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng haing kanyang inihandog. Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayun din naman, si Kristo’y minsang inihandog bilang hain upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya’y muling darating, hindi upang ihandog na muli dahil sa kasalanan kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.

Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya nang makapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Hesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na daang naglagos hanggang sa kabila ng tabing – alalaong baga’y ang kanyang katawan. Tayo’y may isang Dakilang Saserdote na namamahala sa sambahayan ng Diyos. Kaya’t lumapit tayo sa Diyos nang may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nalinis na ang ating mga puso at nahugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag mag-alinlangan, sapagkat tapat ang nangako sa atin.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA:
Mateo 28, 19a. 20b

Aleluya! (Celtic)

Humayo’t magturo kayo
palaging kasama ako
hanggang sa- wakas- ng- mundo.

Aleluya! (Celtic)

MABUTING BALITA:
Lucas 24, 46-53

Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ganito ang nasusulat: kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesiyas at muling mabuhay sa ikatlong araw. Sa kanyang pangalan, ang pagsisisi at kapatawaran ng mga kasalanan ay dapat ipangaral sa lahat ng bansa, magmula sa Jerusalem. Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. Tandaan ninyo: susuguin ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya’t huwag kayong aalis sa lungsod hanggang hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihan mula sa itaas.”

Pagkatapos, sila’y isinama ni Hesus sa labas ng lungsod. Pagdating sa Betania, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinagpala sila. Samantalang iginagawad niya ito, siya nama’y lumalayo paakyat sa langit. Siya’y sinamba nila; pagkatapos, sila’y nagbalik sa Jerusalem, taglay ang malaking kagalakan. Palagi sila sa templo at doo’y nagpupuri sa Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

OFFERTORIUM:
HANDOG NAMIN

Koro:
Handog namin sa Iyo, Ama,
ang tinapay at alak na ito
Handog ng bayang umaasa,
sumasamba’t nagmamahal sa ‘Yo

ika-1 taludtod:
Nawa’y dalhin ng ‘Yong anghel
ang aming panalangin sa ‘Yong da-am-ba-a-na
Katulad ng halimuyak ng insensong
umaakyat sa kalangitan

Koro:
Handog namin sa Iyo, Ama,
ang tinapay at alak na ito
Handog ng bayang umaasa,
sumasamba’t nagmamahal sa ‘Yo

ika-2 taludtod:
Nawa’y ang aming kaloob
maging si Hesukristong aming Pangi-noo-on
Ang sinumang tumanggap at makisalo
ay mabubuhay kailanpaman

Koro:
Handog namin sa Iyo, Ama,
ang tinapay at alak na ito
Handog ng bayang umaasa,
sumasamba’t nagmamahal sa ‘Yo

SANCTUS:
SANTO (SAMONTE)

Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos ng mga hukbo
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo

Osana, osana, osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
sa Ngalan ng Panginoon

Osana, osana, osana sa kaitaasan!

PAGGUNITA:
SI KRISTO AY GUNITAIN (RAMIREZ)

Si Kristo ay gunitain
Sarili ay inihain
BIlang pagkai't inumin
Pinagsasaluhan natin
Hanggang sa S'ya'y dumating
Hanggang sa S'ya'y dumating

GRAN AMEN:
DAKILANG AMEN (WYD '95)

Amen, amen, amen, amen, amen, amen, amen

PATER NOSTER: AMA NAMIN
(MISA NG SAMBAYANAN)

Ama namin, sumasalangit ka
Sambahin ang Ngalan mo
Mapasaamin ang kaharian mo
Sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit

Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami
sa aming mga sala

Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama

(Pastorela) Sapagkat Iyo ang kaharian,
a-at ang kapangyarihan,
a-at ang kapu-rihan,
mag~pakailanman.

AGNUS DEI:
KORDERO NG DIYOS (SAMONTE)

Kordero ng Diyos
na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos
na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin

Kordero ng Diyos
na nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin
ang kapayapaan

COMMUNIO 1:
HUWAG KANG MANGAMBA

Koro:
Huwag kang mangamba di ka nag-iisa
Sasamahan kita saan man magpunta
Ika'y mahalaga sa aking mga mata
Minamahal kita, minamahal kita

ika-1 taludtod:
Tinawag kita sayong pangalan
Ikaw ay akin magpakailanman
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tagapagligtas mo at taga tubos

Koro:
Huwag kang mangamba di ka nag-iisa
Sasamahan kita saan man magpunta
Ika'y mahalaga sa aking mga mata
Minamahal kita, minamahal kita

ika-2 taludtod:
Sa tubig ika'y sasagipin
Sa apoy ililigtas man din
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tagapagligtas mo at taga tubos

Koro:
Huwag kang mangamba di ka nag-iisa
Sasamahan kita saan man magpunta
Ika'y mahalaga sa aking mga mata
... ...
Minamahal kita, minamahal... kita

COMMUNIO 2:
HUWAG LIMUTIN

ika-1 taludtod:
Huwag limutin nakaraang araw
Sariwain kahit balik tanaw
Takipsilim 'di man mapigilan
Sandali lang ang dilim

ika-2 taludtod:
'Yong bilangin ang bawat sandaling
Kagalaka'y wari'y walang patid
Magkasama tayo sa pagsapit
Ng 'sang langit sa daigdig

Koro:
Minamahal kitang tunay
Ang tinig ko sayo'y bubuhay
Sambitin mo ang aking himig
At ako sa iyo'y aawit

ika-3 taludtod:
Alaala ng pagkakaibigan
Sa puso itago't ingatan
Sa pagsilay ng bukas tingnan
Alaala't puso'y iisa

Koro (2x):
Minamahal kitang tunay
Ang tinig ko sayo'y bubuhay
Sambitin mo ang aking himig
At ako sa iyo'y aawit

Koda:
At ako sa iyo'y aawit

RECESSIO:
ISANG PANANAMPALATAYA

Koro:
Isang pananampalataya, isang pagbibinyag
Isang Panginoon, angkinin nating lahat

ika-1 taludtod:
Habilin ni Hesus noong Si-ya'y lumisan
Kayo ay magkatipon sa pagmamahalan

Koro:
Isang pananampalataya, isang pagbibinyag
Isang Panginoon, angkinin nating lahat

ika-2 taludtod:
Ama, pakinggan mo ang aming panalangin
Dalisay na pag-ibig sa ami'y sumapit

Koro:
Isang pananampalataya, isang pagbibinyag
Isang Panginoon, angkinin nating lahat

ika-3 taludtod:
Mga alagad Ko, pa'no makikilala?
Tapat nilang pag-ibig, wala nang iba pa

Koro:
Isang pananampalataya, isang pagbibinyag
Isang Panginoon, angkinin nating lahat

--END--

Popular posts from this blog

Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) - Linggo, Marso 30, 2025

Ikaapat na Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay (K) INTROIT: HOSEA (COME BACK TO ME) I Come back to me with all your heart. Don't let fear keep us apart. Trees do bend, 'though straight and tall; so must we to others' call. Ref Long have I waited for your coming home to me and living deeply our new life. II The wilderness will lead you to your heart where I will speak. Integrity and justice, With tenderness, you shall know. Ref Long have I waited for your coming home to me and living deeply our new life. KYRIE ELEISON PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI (MISA ANTONIO) Cantor Panginoon, kaawaan mo kami. Koro Panginoon, kaawaan mo kami. Cantor Kristo, kaawaa mo kami. Koro Kristo, kaawaan mo kami. Koro Panginoon, kaawaan mo kami. Panginoon, kaawaan mo kami. UNANG PAGBASA Josue 5, 9a. 10-12 Pagbasa mula sa aklat ni Josue Noong mga araw na iyon: Sinabi ng Panginoon kay Josue: “Inalis ko ngayon ang kahihiyan ng pagkaalipin ninyo sa Egipto.” Samantalang nasa ...

Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) - Linggo, Abril 13, 2025

  INTROIT: HOSANNA! OUR KING IS HERE! Refrain: Hosanna in the highest! Hosanna to our King! Blessed is he who comes in the name of the Lord! Hosanna, our King is here! INTROIT: for 4pm HOSANNA (TUTTLE) Part 1: Hosanna! Hosanna! Hosanna in the highest! Hosanna! Hosanna! Hosanna in the highest! Lord, we lift up your name with hearts full of praise be exalted O, Lord my God Hosanna in the highest! Part 2: Glory! Glory! Glory to the King of Kings! Glory! Glory! Glory to the King of Kings! Lord, we lift up your name with hearts full of praise be exalted O, Lord my God Glory to the King of Kings! (instrumental) Part 3: Hosanna! Hosanna! Hosanna in the highest! Hosanna! Hosanna! Hosanna in the highest! Lord, we lift up your name with hearts full of praise be exalted O, Lord my God Hosanna in the highest! Part 4: (melody only) Hosanna! Hosanna! Hosanna in the highest! Hosanna! Hosanna! Hosanna in the highest! (back to instrumental) Lord, we lift up your name with hearts full of praise be e...